Bagong proseso ng Nasyonalidad Espanyola

art nacionalidad filipinos

Noong nakaraang Pagtitipon ng mga Abogado tungkol sa Batas para sa mga Dayuhan (Extranjería) at Asilo na ginanap sa Málaga, ipinaalam ng Pangalawang Direktor Heneral ng Nasyonalidad at Kalagayang Sibil na si G. Jesús Santabárbara Rupérez ang bagong pamamaraan para magkaroon ng nasyonalidad sa pamamagitan ng pagtira o residensya na ilalabas sa Oktubre 2015.

Bilang umpisa, ang pag-apply ng nasyonalidad ay magkakaroon ng bayad na 100€ at kailangang iapply sa pamamagitan ng online na platform kung saan ipapadala ang kahilingan ng pag-proseso na hindi na kailangan ang appointment. Sa oras na ipadala ang kahilingan mag-uumpisa na ang proseso online kung saan ibibigay ang bilang ng rehistro.

 

Ang interview ng integrasyon (exam) na ginaganap sa Registro Civil ay hindi na gagawin. Napalitan na ito ng pagsumite at pagpasa sa dalawang exam na ilalabas mula sa mga sentro ng Instituto Cervantes. Ang unang exam ay tungkol sa wikang Kastila na mayroong bayad na 80€. Ang pangalawang exam na may bayad na 120€ ay tungkol sa kaalaman sa Konstitusyon, cultura, kasaysayan at heograpiya ng Espanya. Dapat ding ipaalam na ang exam na ito ay mayroong 25 na mga tanong at kailangang magkaroon na di bababa sa 13 na tamang sagot para makapasa sa exam na ito.

Sa mga pagbabagong ito, ipapatupad din ang “pananahimik ng admistrasyon” sa loob ng 12 buwan na nangangahulugan na negatibong kasagutan.

 

Ang Registro Civil din ay may partipasyon sa prosesong ito na nasa huling bahagi lamang dahil ang taong nakatanggap na ng resolusyon na may pabor na makamit ang nasyonalidad espanyola ay susumpa at magpapatala doon sa mismong pamamaraan na ginagawa hanggang ngayon.

Kung mayroon kang problema sa proseso ng iyong nasyonalidad o wala ka pang sagot galing sa Registro Civil, makipag-ugnayan ka sa amin sa teleponong 93 1122 743 at 663 000 435, o idownload mo ang flyer sa www.habeaslegal.com, iprint mo ito at magkakaroon ka ng bisita sa aming mga abogadong espesyalista tungkol sa Extranjería.


 

En Habeas Legal te ayudamos con nuestro METODO HABEAS DE LAS 3P’s

PREPARACIÓN-particular, PRESENTACIÓN-personalizada y PROCESO-persecución de lo presentado si no responden en los plazos establecidos o si deniegan nuestra solicitud. Para asesorías presenciales o por videollamada, reserva tu asesoría legal a través de nuestro sitio web:

1f310 - La autorización inicial de residencia temporal y trabajo por Cuenta Propia Web: https://habeaslegal.com/reserva-de-asesoria/

1f4de - La autorización inicial de residencia temporal y trabajo por Cuenta Propia Tels: (+34) 931 122 743 y 930 075 341

HABEAS contigo!

Habeas Legal abogados y mediadores internacionales

Escriba su Consulta Legal

*campos requeridos

Escriba su Consulta Legal